Mar
10
2010
Sa totoo lang, kanina pa lumilipad ang utak ko. Nakita ko kasi ulit ‘yung mga pictures namin sa Puerto Princesa. Namimiss ko ang Puerto. Oo, namimiss ko ang buhay ko dun. Kasi naman, lahat ng gusto kong gawin ay nagagawa ko at talagang buhay senyorita nga naman kami ng mga amiga ko dun. Hatid dito, hatid doon. Kain dito, kain doon! Basta, kuntento ako sa Puerto Princesa trip namin. Sa katunayan nga, ito ata ang pinakabonggang trip ko ngayon.
Naalala ko tuloy na noon, muntikan na kaming lumipat sa Puerto Princesa. Nagtrabaho kasi ang papa ko doon at plinano nila na bago ako mag-high school, lilipat na kami doon. S’yempre, basta marinig mo ang probinsyang ‘Palawan’, talagang namamangha ang labing-dalawang gulang na batang tulad ko. Sikat na sikat din si Hagedorn nung mga panahon na ‘yun at di ako sigurado kung si Mayor mismo o ang anak niya ang naging bossing ng Papa ko. Sayang lang at hindi ito natuloy. Kasalanan din ng Papa ko, pero mas ok na rin siguro. Mas maganda nga ‘atang sa Dagupan talaga ako naghayskul at nagcollege.
Sa ngayon ay nasa trabaho ako. Ewan ko, kanina ko pa na-tag ang mga pictures at ngayon naman ay ang dami-dami kong articles na nagawa. Iniisip ko na kailangan kong magbangko sapagkat ako ay aalis bukas patungong Cebu.
Oo, babalik na naman ako sa Cebu at oo, maglalakwatsa na naman ako. Ang dahilan ng aking pagpunta roon ay hindi ko pwedeng sabihin, pero ito kasi yung pagkakataon na hindi dapat pinapalagpas dahil bihira ang taong inaalok ng ganitong bagay. Paano ang trabaho ko? ewan ko. Ewan ko nga ba kung bakit parang hindi na ako masyadong masigasig dito.
Huwag niyo akong masamain. Hindi ako tinatamad o anuman. Nagkataon lang na sa ngayon ay sa ibang bagay nagpopokus ang utak ko. Marami akong gustong gawin na hindi ko basta-basta magagawa kung may trabaho ako.
Resign?
no comments | posted in Surprise!
Jan
30
2010
Enter your password to view comments
Jan
20
2010
Napanaginipan ko nu’ng isang gabi na natanggal daw ang limang ngipin ko sa harap. Umuwi pa raw ako ng Dagupan para ipaayos ‘yun dahil mahal magpadentista dito sa Maynila.
Pagkagising ko, kwinento ko yun kina lolo at lola. Sabi nila, buti na lang at nakwento ko agad kasi masama raw ang ibig sabihin nun. Baka may mamatay na malapit sa akin.
Kanina, tumawag ang mama ko na parang takot na takot. Sabi n’ya, napanaginipan daw nya na nahulog daw siya sa bangin.
Kaya nakwento ko yung panaginip ko.
At nag-umpisa na siyang magbilin:
- Inaayos na raw n’ya ang papeles ni Carlo sa England para hindi na ako mamroblema balang araw.
- Matuto raw akong magtipid dahil gastadora ako.
- Maglotion daw ako palagi kasi feeling n’ya dry ang skin ko.
- Magsuklay naman daw ako at bumili ng bagong damit.
- Ayusin ko na raw ang papeles ko dahil handa naman daw niyang sagutin ang pamasahe ko at mga fee-fee.
At humingi siya ng pasensya na sa akin n’ya binubuhos lahat ng stress n’ya dahil wala na siyang makausap.
Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Napakawalang-kwenta kong anak. Bakit nga ba sarili ko ang iniisip ko? Samantalang siya ni hindi siya makabili ng bagong panty mapaganda lang ang buhay namin.
Sorry rin at dito ko pa sa Tumblr pinost ‘to. Idedelete ko rin ‘to mamaya pagkatapos kong punasan ang sangkaterbang luha.
no comments
Jan
19
2010
EMO Post sa MM o AsM or TmBLR
SEO Post sa SG o DWB
‘yan ang routine ko tuwing madaling-araw. Ayos ba?
no comments | posted in Online
Jan
17
2010
Grabe. Sa dami nang pinuntahan ko noong Disyembre, parang nahihirapan akong gumawa ng blog post. Hindi ko rin alam kung saan sila ilalagay.
Bigla ko lang naalala na meron nga pala akong Travel Blog, Ang Senyorita.net. Bakit nga ba di ko doon i-document ang aking trips lalo na ang hotels, food, resto at tourist spots? Tanggalin ko na lang siguro yung mga Kikay post doon at dapat ay maiblog ko na doon ang tungkol sa aking Dagupan, Davao, Pampanga, Subic at Tagaytay trip dahil papunta naman ako ng Cebu sa Biyernes. Backlog kung backlog!
May food blog nga rin pala ako. Ano ba yan, last update ko doon ay November pa. Sa totoo lang, medyo nanghina ako na magblog doon simula nang dumami ang respondents na sobrang galing kumuha ng pics. Ngayon ay makikipagsabayan na ako. Sa katunayan nga, ang dami ko nang nakunang picture at nakaseparate na nga rin sila, kaso hindi ko lang maiblog kasi mas inuuna ko ang ‘negosyo’. Siguro dapat ay magquota ako sa sarili ko na minimum of 4 patay gutom posts a month. Kaya ko ba yun? Naman!
At may bago na naman akong beybi! Ito ay ang Project52Weeks. Nakatatlong video na kami at in fairness, maganda ang feedback, huh!
Sana ay tulungan pa rin ako ng aking mga kaibigan sa mga kabaliwan ko na kabaliwan rin naman nila
no comments | posted in Online
Jan
16
2010
A Beautiful Mess- How someone’s mess is as important to admire as their beauty. Therefore, see that they have the best in both worlds.
Pinapatugtog ko ‘tong kantang ito kanina. Wala akong karelasyon ngayon at hindi rin naman talaga ako nagmamadali na magkaroon ng kasintahan, pero napaisip lang ako sa kantang ito.
Continue reading
no comments | tags: beautiful mess, jason mraz, wishful thinking | posted in Kakornihan
Jan
11
2010
Alam mo bang naka-apat na draft na ako sa personal blog ko (http://www.micamyx.com)? Hindi ko lang ma-publish ang mga pinagsususulat ko kasi tinatamad akong magresize ng picture. Ayoko naman na magpublsih ng blog entry na walang picture. Basta. Ayoko ng walang picture!
Tungkol san ba yung mga nakadraft? Yung una, tungkol sa Trip ko sa Dagupan last month. Yung pangalawa, tungkol sa kasal nina Ate Aileen at Kuya Jay. Patapos na nga yun eh pictures na lang ang kulang at last paragraph. Yung pangatlo naman ay tungkol sa Plurklakbayan ‘09. Tinatamad rin akong mag-resize ng pictures pero halos kumpleto na rin naman siya. Yung pang-apat naman ay tungkol sa pagiging selfish ko. Oo, selfish ako. Pero hindi rin. Basta. Hindi ako selfish. Self-centered, oo. Selfish, hindi. Basta. Di ko ibblog dito kung tungkol saan yun kasi nga para yun sa main blog ko. Emo post yun. Hindi bagay dito ang english emo post. This blog is for emo thoughts expressed in Filipino. The english language is strictly prohibited due to the selfish reasons of the owner. Whoever violates this rule must go to bed and sleep now.
no comments | posted in Kakornihan
Dec
28
2009
Nakikipag-usap sa dalawang kaibigan. Natatawa at naiiyak at the same time.
Tama si Kuya Drew. Bipolar nga ako.
no comments | posted in Kakornihan
Dec
25
2009
Meron akong tinanggal na kaibigan sa Facebook kanina dahil sa pagkainis.
Sana kung may galit kayo sa akin, abisuhan n’yo muna ako kung may problema, ok? Wag yung bigla na lang isang araw bigla niyo na lang akong tatanggalin sa buhay nyo. Mahirap kasi yun. Ang alam ko, wala akong ginawa sa’yong kasalanan. Ewan ko lang rin. Wala akong clue eh. Sana sinabihan mo na lang ako ng ‘Oist, galit ako sa’yo’ o di kaya ‘Oi, nagtatampo ako’ o pwede rin ‘Ayoko yung masyado kang nag-eemo’ o pwede rin ‘#&@#^ wag ka masyadong magtweet ng ganun kasi nakakairita ka’. At least alam ko diba?
Ayan. May taong nagpaalala sa akin tungkol sa’yo at lumabas na naman ang tampo ko sa’yo. Biglaan na lang naging galit yun. Tinanggal na kita sa Facebook kasi trip ko lang. Sa totoo lang, hindi ako makatulog ngayon kasi naiisip kita. Siguro naman makakapag-usap pa rin tayo ulit, diba? Di bale, di naman naka-disable ang “add as friend” button. Unahan na lang tayo sa kung sino ang unang pipindot n’yan next year. Basta sa susunod na gagawin mo yan, gimme a clue, alright? Irita eh.
no comments
Dec
22
2009
Matagal-tagal na rin akong hindi nakakaramdam ng kilig. Sa dami ba naman kasi ng kapalpakan ko sa pag-ibig, diba?
Kamakailan lang ay nakaramdam ulit ako ng pagkakilig. Alam mo yung tipong bigla ka na lang mapapangiti tapos nagssmile na parang timang sa loob ng kwarto mo? Tapos may pagulong-gulong ka pa sa kama na nalalaman. Hindi mo pa mapigilan sumigaw ng ‘weeeeee’ na para bang nakikipaglaro ka sa mga fairies sa kung saan mang encantadia ka napadpad o anuman.
Nakakamiss yung ganitong feeling. Wala lang, basta kinikilig ka lang. Basta masaya ka lang. Masaya ka lang. Masaya ka lang
no comments | tags: kilig | posted in Kakornihan